KINAGAT ni Vice Ganda ang ALS Ice Bucket Challenge sa kanya ng “asawa” niyang si Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo.

VICE GandaAng Amyotropic Lateral Sclerosis (ALS) Ice Bucket Challenge ay fundraising at awareness campaign na mabilis na lumalaganap sa buong mundo para sa karamdamang nakakaapekto sa nerve cells ng utak hanggang sa spinal cord.

Ginanap ang pagbuhos ng nagyeyelong tubig kay Vice pagkatapos ng kanyang Katy Perry production number na Hot and Cold sa It’s Showtime last Monday.

“Ito po ay ginagawa upang ipaalam sa mga tao sa buong mundo ang ganitong klaseng karamdaman, dahil maraming tao ang ‘di nakakaalam ng karamdamang ito, kaya maraming namamatay. At ito po ay ‘di pa nabibigyan ng lunas. Kaya I took the challenge today, at kahit ginawa ko ang challenge ay magdo-donate pa din ako (ng $100) sa ALS Association,” pahayag ni Vice habang basang-basa sa naturang show.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

At dahil nga ito’y for a good cause na nagiging tradisyon na, nag-nominate din ng ilang kaibigan si Vice -- ang mismong direktor ng It’s Showtime na si Direk Bobet Vidanes, ang magkasintahang sina Billy Crawford at Coleen Garcia, si Coco Martin at si Richard Yap.

“Ito naman ay para ‘di lamang magpasikat, meron itong purpose kung bakit namin ito ginagawa,” pahayag ng Showtime host.

Agad nang kinagat ni Direk Bobet ang challenge ni Vice, sumunod sina Billy at Coleen na live ding napanood.

Sina Anne Curtis, Karylle at Vhong Navarro naman ang ini-nominate ni Billy.

Asahang magtutuluy-tuloy pa ang paglaganap ng ALS Ice Bucket Challenge.