Hindi nasustenahan ng Batang Gilas-Pilipinas ang matinding pagsagupa sa Chinese Taipei upang malasap ang dikit na 86-90 kabiguan at magpaalam sa isa sa tatlong silyang kailangan sa World Championships sa ginaganap na 23rd FIBA Asia U18 Championships sa Doha, Qatar.

Kumulapso ang Batang Gilas sa krusyal na segundo ng dikdikang labanan kung saan ay tila hindi na kinailangan ang 24-second shot clock sa laro bunga ng mabilisang pagpapalitan ng puntos bago itinakas ng Chinese Taipei ang panalo na nagtulak sa kanila sa semifinals.

Iniulat mismo ng opisyal na website ng torneo na fibaasia.net na lubhang naging mainitan ang laro kung saan ang dalawang koponan ay hindi na hinintay pa na umabot sa 16 na segundo ang kanilang oras para isagawa ang kanilang mga tikada.

Ang laro ay kinukonsidera din ng website na isa sa natatanging highest scoring contests sa kasaysayan ng FIBA Asia U18 Championship bunga sa ipinamalas ng dalawang koponan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Gayunman, natapos ang laban sa koponan na sumablay sa kanilang mga tsansa.

Sinandigan ng Taiwanese si Lin Ming-Yi na kumamada ng apat na three-pointer sa kanyang siyam na attempts, kabilang ang krusyal sa huling 6 segundo upang ilaglag ang Pilipinas para sa ikalima hanggang ikawalong puwesto.

Ang laban ay tinampukan din ng pambihirang pagkakataon na tumira sa huling 10 segundo sa shot-clock.

“Those moments was the fastest ever game seen in recent FIBA Asia U18 history!,” ayon sa website.

Nagtala si Tu Ssu-Han ng Taipei ng 23 puntos habang si Lee Kuan-Yi ay nagdagdag ng 17 puntos.

Nanguna naman si Mark Dyke para sa Batang Gilas sa itinalang personal tournament-high na 26 puntos at 13 rebounds subalit hindi nasandigan ng Pilipinas.

Makakasagupa ng Batang Gilas para sa ikalima hanggang ikawalong puwesto ang Kazakshtan.