CABANATUAN CITY – Makakaranas ng hanggang 10 oras na pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Zambales ngayong Huwebes, Agosto 28, 2014.

Ito ang inihayag ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication & Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, sinabing mararanasan ang brownout sa mga bayan ng Palauig, Candelaria, Masinloc, at Sta. Cruz mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Bibigyang daan ng power interruption ang pagpapalit ng mga lumang poste sa Botolan at Candelaria. - Light A. Nolasco

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?