GENEVA (AFP)— Dapat na ipagbawal ng mga gobyerno ang pagbebenta ng e-cigarettes sa mga menort de edad, sinabi ng World Health Organization noong Martes, nagbabalang ang mga ito ay may “serious threat” sa foetuses at mga bata.

Inirerekomenda rin ng UN health body na ipagbawal ang cigarette-shaped electrical devices sa public indoor spaces “until exhaled vapour is proven to be not harmful to bystanders”.

“The existing evidence shows that (e-cigarette) aerosol is not ‘merely vapour’ as is often claimed in the marketing of these products,” sinabi ng WHO.

Ang devices, na nagiging popular lalo na sa kabataan, ay gumagana sa pamamagitan ng pag-iinit sa flavoured nicotine liquid para magkaroon ng vapour na nilalanghap -- gaya ng tradisyunal na sigarilyo, ngunit walang usok.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Inamin ng WHO na ang e-cigarettes ay “likely to be less toxic for the smoker than conventional cigarettes”.