BAGHDAD (AFP)— Sinabi ng Syria na handa itong makipagtulungan sa United States para labanan ang terrorism habang inakusahan ng UN ang mga jihadist sa Iraq ng “ethnic and religious cleansing”.

Nakatakdang magpadala ang US ng spy planes sa Syria upang sundan ang mga militante, bilang paghahanda sa posibleng air strikes laban sa jihadists doon, sinabi ng isang senior US official, kasabay ng pagbabala ng pinakamataas na US military officer ng magiging banta ang Islamic State (IS) sa America at Europe.

Iginiit ni Foreign Minister Walid Muallem sa isang news conference na ang anumang strikes sa Syrian territory ay kailangang ipaalam sa gobyerno ni President Bashar al-Assad.

“Syria is ready for cooperation and coordination at the regional and international level to fight terrorism and implement UN Security Council resolution 2170,” ani Muallem sa Syrian capital.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists