Sumandig ang Batang Gilas-Pilipinas sa matinding laro ni Joshua Carucut upang talunin ang kasamahan sa SEABA na Malaysia, 72-69, at kumpletuhin ang quarterfinals sa ginaganap na 23rd FIBA Asia U18 Championship sa Al Gharafa Stadium sa Doha, Qatar.

Tinapos ng Batang Gilas ang round robin stages sa Group E na may bitbit na 3 panalo at 2 talo upang makasama ng China na may malinis na 5-0 kartada at Korea na may 4-1 (panalo-talo) marka sa matira-matibay na labanan sa quarterfinals.

Isinalansan ni Caracut ang matinding tres sa huling 22.9 segundo matapos na magtabla sa iskor na 69-69 at itulak ang Batang Gilas tungo sa paglapit sa inaasam na tatlong natatanging puwesto sa 2015 World Championships sa Greece.

Nagawang itabla ng Malaysia, unang tinalo ng Pilipinas sa korona ng SEABA, ang laro sa huling 34 segundo sa naging mahigpitang laro bago ipinamalas ni Caracut ang kanyang kabayanihan at iangat ang Batang Gilas sa unang pagtuntong sa quarterfinals ng torneo.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Pinamunuan ni Robin Angelo Tongco ang Batang Gilas sa itinalang 22 puntos habang nagdagdag ng 12 puntos si Kobe Lorenzo Paras. Nag-ambag din si Mike Anthony Dyke ng 10 puntos habang si Paul Desiderio ay may 9 puntos.

Ang panalo ang nagtulak sa Pilipinas sa tatlong koponan patungo sa quarterfinals kung saan ay nakaharap nila kahapon ang Chinese-Taipei. Ang magwawagi ay uusad kontra sa mananalo sa pagitan ng China at Kazakhstan.

Makakaharap ng Malaysia sa kabilang grupo ang 22nd FIBA Asia U18 Championship bronze medalists Iran habang ang naging silver medalist na Korea ay sasagupain ang kapwa East Asian team na Japan sa playoffs.