Kris Aquino

LEAVE it to Kris Aquino at tiyak na laging may aabangang bago sa kanya.

Sa simula pa lang ng The Buzz last Sunday, may pahiwatig na ang co-host ng award-winning Sunday celebrity talk program ng ABS-CBN na si Toni Gonzaga sa mga suking manonood nila.

Winika ng girlfriend ni Direk Paul Soriano na tumutok lang sa The Buzz dahil may malaking pasabog na magaganap sa programa.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

True enough, isang pasabog nga ang ginawa ng controversial Queen of All Media at the end of the program dahil sa loob mismo ng studio ng The Buzz ay isinakatuparan ni Kris ang kahilingan ng kaibigan at TV5 hunk na si Derek Ramsay na gawin niya ang ALS Ice Bucket Challenge.

Bilang pagtalima sa 'tradisyon' ng fundraising stunt na ginagawa na ngayon ng lahat ng celebrities sa buong mundo, hinamon naman ni Kris sina Anthony Taberna, Darla at Vice Ganda.

Hindi lang tinanggap ni Kris ang hamon ni Derek kundi ginawa niya ito on national TV, at nag-donate rin siya ng halaga para sa ALS (amyotrophic lateral sclerosis) research na kailangang-kailangan ng grupo ng mananaliksik para sa sakit na ito.

Tulad ng inaasahan, may mga natuwa sa ginawa ng presidential sister, at nagkumahog naman ang kanyang mga hater at basher. Bakit daw kailangang on national TV pa iyon gawin ni Krissy? Ikaw na ang maging isang Kris Aquino. What she did was a sight to behold! Either you hate her or love her talaga.

For her haters, may halong kaplastikan ito but to majority of her fans (including this writer), aliw na aliw kami sa ginawa ni Kris.

Imagine, sa stature niya bilang top TV host at product endorser, ginawa niya ang # ALSIceBucketChallenge. Puwede namang mag-donate na lang siya pero sa ngalan ng pagiging sport at katuwaan, nagpabuhos siya ng balde ng ice water sa kanyang co-host at sa bunsong anak na si Bimby (James Aquino Yap Jr.). Isn't it an exciting twist on Kris' colorful and controversial life?

She's a real trooper, reaksiyon ng netizens.

In the first place, she will not be Kris Aquino for nothing!