ROCHESTER, N.H. (AP) — Inilabas ng mga magulang ng pinatay na Amerikanong mamamahayag na si James Foley ang liham na anila ay isinulat ng kanilang anak habang siya ay bihag.
Si Foley ay dinukot noong 2012 habang nag-uulat sa kaguluhan sa Syria. Ipinaskil ng grupong Islamic State ang Web video noong Martes ng pamumugot sa kanya.
Sa liham, sinabi ni Foley na siya ay nakakulong kasama ang 17 pang hostage, at pinalilipas ang mga araw sa pag-uusap tungkol sa mga pelikula, sports at trivia at paglalaro gamit ang mga scraps na matatagpuan sa kanilang selda.
Sinabi ni Foley na ang mga bihag ay binibigyan araw-araw ng tsaa at kape.
Sinabi ng kanyang mga magulang na kinumpiska ng mga dumukot ang mga liham ni Foley. Kayat hiniling niya sa isa pang bihag na nakatakdang palayain na i-memorize ang kanyang liham at isalaysay sa kanyang mga magulang. Ipinaskil ng pamilya ang liham noong Linggo sa isang Facebook page na tinawag na “Find James Foley.”