Marian Rivera-Dingdong Dantes proposal photos (CREDIT PHOTOS TO BHENJ AGUSTIN)

SI Quezon City Mayor Herbert Bautista na ang sasagot sa security sa kasal ng Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30, sa Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City.

Magkapitbahay sina Mayor Herbert at Dingdong, pareho silang isinilang sa iisang barangay sa Cubao. Si Mayor Bistek sa New York Street, si Dingdong sa Seattle Street naman, at pareho nilang halos kapitbahay lang ang Cathedral.

Natanong si Mayor Bistek nang mag-host siya ng get-together lunch para sa entertainment press na nag-birthday mula January hanggang September, this year, sa Sampaguita Gardens, sa Vera-Perez Events Place in Valencia, Quezon City, kung alam niya ang tungkol sa wedding ni Dingdong kay Marian Rivera.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Oo, at natuwa ako sa kanilang dalawa lalo na iyong marriage proposal ni Dingdong on national television, kaya nag-message agad ako sa kanila ng pagbati sa Facebook,” sagot ni Mayor Bistek. “At nakakatuwa na sa Immaculate Conception Cathedral sila magpapakasal, doon bininyagan si Dingdong, kami rin ng mga kapatid ko, doon bininyagan. Kaya no problem, we’ll take care of the security sa kasal nila, gitna kasi iyong church, maraming mga daan at lagusan, we can close certain areas para iyong traffic hindi maapektuhan. It’s good na December 30 is a holiday kaya hindi siguro masyadong mahirap.”

Nang balikan naman si Mayor Bistek kung siya naman, kailan magpapakasal, hindi raw naman siya against sa kasal, pero ayaw niyang maging unfair sa mga ina ng kanyang mga anak. Basta nagpapasalamat daw siya sa mga ina ng mga anak niya dahil napalaki nila silang mababait, marespeto at God-fearing. Sa ngayon kasi, ang kalaban niya ay ang oras, lalo pa at nalalapit na naman ang eleksyon at sa October, filing na ng candidacy ng mga gustong tumakbo sa 2016 elections.

Tungkol sa mulin niyang pagkandidato, wala pa raw silang napag-uusapan nina House Speaker Sonny Belmonte at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte. Second term na ngayon ni Mayor Bistek, at kung siya raw ang tatanungin, gusto niyang tapusin ang pangatlong term niya, pero nasa desisyon pa rin daw iyon ng kanilang partido, ang Liberal Party.