LEGAZPI CITY, Albay – May tatlong katao, kabilang ang isang batang lalaki, ang tinamaan ng kidlat habang sakay sa isang bangkang de-motor sa baybayin ng Barangay Cawayan sa Bacacay, Albay noong Linggo ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Luke Ventura, hepe ng Bacacay Police, ang mga biktima na sina Jerry Ecuenca, 30, ng Rapu-Rapu; Gina Barquilla, 25, at anak niyang si Reynante Basaca, 10, kapwa ng Bacacay, Albay.

Ayon kay Ventura, bandang 12:30 ng tanghali noong Sabado ay nagsasagawa ng 36th Annual Fluvial Procession o Marian Pilgrimage para sa Our Lady of Salvation sa mga baybayin ng mga barangay ng Bacacay, Malilipot at Rapu-Rapu nang biglang kumidlat at tinamaan ang tatlo.

Kinumpirma noong Sabado ni Ventura na hindi na umabot nang buhay sa ospital si Ecuenca habang kritikal naman ang mag-ina. - Niño N. Luces

Kampo ni Kitty Duterte, hiniling sa SC na magtakda ng oral argument para sa habeas corpus petitions para kay FPRRD