CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Bilang paghahanda sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Albay, mamumuhunan ang Police Regional Office 5 (PRO-Bicol) sa Special Weapons and Tactics (SWAT) nito at gagawing pang-international standard ang mga pagsasanay at gamit ng mga pulis sa rehiyon.

Sinabi ni PRO-5 Director Chief Supt. Victor Deona na kabilang sa mga iaupgrade na gamit ang mga baril, bulletproof vest, night vision goggles, helmets at iba pang mahahalagang gadget para sa mga miyembro ng SWAT.

Ayon kay Deona, ang mga pulis na itatalaga sa SWAT unit ay sasailalim sa matinding shooting training.

Sinabi pa ni Deona na ang pondo para sa SWAT training at sa pagbili ng mga gamit ay manggagaling sa savings ng PRO-5 at hindi sa Philippine National Police (PNP) national headquarters.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Noong Biyernes ay ipinamahagi na ang 193 Glock 17 pistol sa mga tauhan ng Regional Public Safety Battalion (RSPB). - Niño N. Luces