Inaresto ng mga anti-cybercrime operative ng pulisya ang isang babae na tinatawag na sextortion queen ng Bulacan sa magkahiwalay na raid sa San Jose at Norzagaray.
Sinabi ni Senior Supt. Gilbert Sosa, hepe ng Anti-Cybercrime Group (ACG), na nailigtas din sa nasabing operasyon ang limang menor de edad na ginamit na front sa umano’y mga ilegal na aktibidad ni Ma. Cecilia Caparas-Regalachuela.
“She leads the sextortion ring in San Jose Del Monte, Norzagaray and other municipalities in Bulacan,” sabi ni Sosa.
“Her daughter Marcel Jing Caparas-Regachuela owns two Western Union Branches in Bulacan which they use as remittance agency for sextortion money demanded from the victims,” dagdag niya.
Ayon sa opisyal, ang operasyon ay bunsod ng reklamong natanggap ng ACG mula sa mga biktima ng sextortion na nakabase sa Hong Kong.
“A series of surveillance operations were conducted in Norzagaray and San Jose Del Monte Bulacan and confirmed the existence of such illegal activities,” sabi ni Sosa.
Walong katao, kabilang ang mag-inang Regalachuela ang naaresto.
Nakumpiska mula sa dalawang operasyon ang iba’t ibang mobile phone, ID at pasaporte, pera, baril at mga bala, mobile pockets devices, iba’t ibang dokumento, ilang laptop, storage devices, camera, network devices, at ilang motorsiklo.
Ayon kay Senior Insp. Joahna Manlapaz Fabro, tagapagsalita ng ACG, ang modus ay ang paggamit ng magagandang dalaga na mag-iimbita sa karamihan ay overseas Filipino worker (OFW) para i-add sila sa Facebook bilang “friend”.
Pagkatapos makipagkaibigan sa pagpapalitan ng mga mensage, sinabi ni Fabro na iimbitahan na ng suspek ang biktima na gumamit ng isang video call software para sa cybersex.
Aniya, habang ginagawa ang video call ay hihimukin ang biktima na maghubad at magsagawa ng malalaswang bagay sa harap ng web camera, pero hindi alam ng biktima ay naire-record na pala ang kanyang video na gagamitin sa pangingikil ng hanggang $3,000.00 (P135,000) kapalit ng hindi pagkalat ng nasabing video.
“Immediately, the victim would receive messages on Facebook from the suspect, threatening the victim that his lewd acts were video recorded with a video link to prove it,” ani Fabro.
“The suspect would then demand victim to pay a ransom thru Western Union, otherwise, the video footage would be posted on the victim’s Facebook account, published on YouTube or sent to the victim’s friends and relatives,” dagdag pa niya. - Aaron Recuenco