BACOLOD CITY - Masusi ang imbestigasyon ng awtoridad sa isang mag-ina na natagpuang patay sa loob ng kuwarto ng isang pension house sa lungsod na ito.

Kinilala ng awtoridad ang mga biktimang sina Leah Segovia-Canete, 34; at Hanah Kate Canete, tatlong taong gulang.

“Lumalabas sa ating inisyal na imbestigasyon na posibleng pinatay muna ng ina ang bata bago siya nagpakamatay. Iniimbestigahan natin ang insidente sa posibilidad ng foul play,” pahayag ni Chief Insp. Ramonit Javier, hepe ng Scene of the Crime Operations ng Negros Police Provincial Office.

Ayon sa awtoridad, namatay ang paslit sa paglaslas sa mga kamay nito habang ang ina naman ay namatay sa sakal ng lubid. - Jun N. Aguirre
National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo