Marian Rivera and Dingdong Dantes proposal

IT’S final! Bago magtapos ang 2014, sa December 30, matatapos na ang pagiging binata’t dalaga ng GMA Network Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Haharap sila sa altar ng Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao.

Nang humarap ang magsing-irog sa The Royal Engagement presscon na ipinatawag ng kanilang home network, para silang sina Prince William at Duchess Kate ng England na matatandaang bago ikinasal ay nagkaroon din ng royal big announcement through media.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“We would like to share it with you because we really consider everyone as part of our love story… and gusto namin i-share how happy we are,” sabi ni Dingdong na agad ding sinusugan ng kanyang fiancee.

“Tulad ng sabi ni Dong, kayo po ‘yung first batch na mahalaga talaga sa amin, kaya kayo po ang unang makakaalam sa lahat ng sasabihin at mangyayari po sa amin ni Dong,” dagdag ni Marian.

Ilang baby ang kaya nilang gawin?

“Tanungin ko ‘yung asawa ko, ha?” sabay baling kay Dingdong. “Sa tingin mo?” sabi, while love, love, love radiates in her eyes.

“Malaking blessing na sa amin na ibinigay kami sa isa’t isa,” sagot ni Dong. “So, I’d like take things a step at a time. Take the blessings also a step at a time, ma-absorb namin nang maayos. At itong paparating na marriage is one very big blessing already. ‘Yung susunod, mga susunod na hakbang, siyempre papangarapin namin ‘yun. Ako, basta meron. Mahalaga sa akin, meron.”

May lahing kambal sa pamilya ni Marian, gusto rin ba niyang magkaroon ng kambal na anak?

“Actually wala akong kailangan ganito, basta biyayaan kami ng Diyos, healthy ang bata, ‘yun ang mahalaga sa amin,” sagot ng dalaga.

May ilan ding naughty questions na ibinato sa dalawa, tulad ng sabay na raw ba silang maliligo pagkatapos ng kasal nila?

“Of course!” ang buong ningning at prangkang bulalas ni Marian with matching halakhak. “Kasi puwede na!”

At dahil ang December 30 ay nataon na simula ng pagdiriwang ng Bagong Taon, na siyempre ay may putukan, after ba ng kasal nila ay mauuna na silang magpaputok as husband and wife bilang pakikibahagi sa okasyon?

“Siyempre naman kasi kahit December 30 pa lang naman ay may nagpapaputok na. Maghahanda ako ng maraming paputok. Mas maraming putukan, mas masaya, ha-ha-ha!” very sport na sagot ni Dingdong.

‘Yon na!

Anyway, ngayon pa lang, congratulations and best wishes to the would-be husband and wife, Dingdong Dantes at Marian Gracia Rivera!