AFP – Isang malaking anino ang inihatag ni Rafael Nadal sa Flushing Meadows, kahit pa hindi niya magagawang maidepensa ang kanyang titulo sa US Open sa pagbubukas nito bukas.

Bagamat ang madalas na nai-injure na si Nadal ay na-sideline dahil sa isang right wrist injury, walang duda ang kasalukuyang world number one na si Novak Djokovic na magbabalik ang 14-time Grand Slam champion tulad ng nagawa nito noon.

“He has found a way always to come back,” ani Djokovic tungkol at ipinaalala ang kahanga-hangang 2013 season ni Nadal matapos ang pitong buwang pagkawala upang manalo ng 10 titulo sa isang carrer-high na 14 finals appearance at magtapos na world number one sa ikatlong pagkakataon.

“So I expect no less,” sambit ni Djokovic.
National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo