Ipinagdiriwang ngayon ng Ukraine ang kanilang Araw ng Kalayaan na gumugunita sa pagpapatupad ng bansa ng Act of Declaration of Independence mula sa Soviet Union noong 1991. Karaniwang idinaraos ang okasyong ito sa mga parada ng milidar, opisyal na seremonya, at firework display sa central square ng Kiev – ang pinakamalaking lungsod at kapital ng bansa.

Ang pangalawang pinakamalaking bansa sa Europe kasunod ng Russia, ang Ukraine ay nasa hangganan ng Poland, Slovaia, at Hungary sa kanluran, sa timog-kanluran ng Romania at Moldova; sa timog ng Black Sea at Sea of Azov; sa silangan at hilagang silangan ng Russia; at sa hilaga ng Belarus.

Ang populasyon ng Ukraine ay nasa 44 milyon, halos 78% nito ay mga Ukranian, 17% ang Russian, at ang natitira ay mga Belarusian at Romanian. Ukranian ang opisyal na wika ng bansa gayong Russian ang karaniwang ginagamit. Eastern Orthodox Christianity ang pangunahing relihiyon ng bansa. Isa sa pangunahing tagasulong ng ekonomiya ng Ukraine ay ang pagluluwas ng mga produktong pang-agrikultura, partikular na ang mga butil.

Matapos humarap sa dalawang digmaang pandaigdig at maraming pagbabago sa pulitika, natamo ng Ukraine ang kalayaan nito mula sa Soviet Union noong Agosto 24, 1991. Natamo ang kalayaan matamos makipaglaban ng bansa sa digmaan at naipatupad ang kanilang konstitusyon pagkalipas ng limang taon matapos ang pagdedeklara ng kalayaan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Ukraine sa pangunguna nina Pangulong Petro Poroshenko at Prime Minister Arseniy Yatsenyuk, sa okasyon ng kanilang Araw ng Kalayaan.