Napaangat ni Ava Lorein Verdeflor ang kanyang puwesto subalit hindi ito nagkasya upang makasungkit ng medalya sa kampeonato ng women’s all-around ng artistic gymnastics sa 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing Olympic Sports Center sa Nanjing, China.

Tumapos na ika-11 mula sa dating ika-12 puwesto ang 5-foot-5 na si Verdeflor mula sa Plano, Texas matapos itala ang mga iskor sa vault (12.900), uneven bars (12.450), balance beam (12.850), floor exercise (11.600) para sa kanyang kabuuang puntos na 49.800.

Malayo naman ito sa nag-uwi ng ginto na mula sa Russian Federation na si Seda Tutkhalyan na itinala ang 14.400-14.050-14.000-12.450 para sa kabuuang 54.900 kasunod si Flavia Lopes Saravia ng Brazil, 13.900-12.950-14.050-13.800 sa kabuuang 54.700 at pumangatlo si Elissa Downie ng Great Britain,14.750-13.350-13.150 12.900 sa kabuuang 54.150).

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget