Sumisid ng pinakamalaking kampanya ang San Beda at La Salle-Greenhills sa pagkubra ng gold medals at pagposte ng records sa Day 1 ng 90th NCAA swimming competition sa Rizal Memorial Pool kahapon.

Itinalaga na bilang maagang paborito upang dominahin ang pool events, umasa ang Sea Lions at Lionesses sa husay nina Frances May Cabrera, Jose Mari Sebastian Arcilla, Christian Dimaculangan, Andrei Lorenzo Manzo at sa kanilang men’s at women’s 200-meter freestyle relay teams na nagbigay ng record-breaking swims.

Nag-ambag din ang Junior Blazers ng kanilang record-breakers na inirehistro ni Mark Romiquit, Andrae Pogiongko at kanilang 200-m freestyle relay squad sa high school division sa kompetisyon na inorganisa ng committee chaired ng Arellano University’s board representative Peter Cayco.

Naorasan si Cabrera ng 4 minuto at 49.78 segundo sa 400-m free, tinabunan ang lumang record na 4:50.59 na kanya ring nairehistro noong nakaraang taon habang naorasan si Arcilla ng 1:02.74, isa ring bagong league juniors mark sa 100-m backstroke.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ibinulsa ni Dimaculangan ang gold at bagong record sa 100m sa seniors section sa oras na 1:01.30 at gayundin si Manzo, napanatili ang pagiging supremo at sinira ang seniors standard sa 200m individual medley sa kanyang bagong oras na 2:13.92.

Pinangunahan ni Cabrera ang 200-m free relay women’s team nina Carla Michaela Chua, Patricia Ella Garcia at Lorelie Lora habang pinamunuan nina Wilfredo Sunglao, Jr., Joseph Lance Sanone, Lorenz Joshua Francisco at Joshua Junsay ang men’s side sa isa na namang record fashions sa oras na 1:57.71 at 1:39.01.

Humataw si Rominquit para sa 100-m butterfly gold at kinuha ni Pogiongko ang 200-m IM mint sa oras na 58.61 at 2:15.18, kapwa binura ang lumang marka.

Target ng San Beda ang kanilang ika-13 sunod na men’s championship at ika-17 sa pangkalahatan habang minamataan ng La Salle-Greenhills ang ika-11 sunod na high school title at ika-17 overall.

Hangad ng San Beda lady tankers na pangunahan ang kanilang are event sa ikaapat na sunod sa season.