Nilinaw ng pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) na hindi maaaring gamitin sa pagpuga o pagtakas ng mga bilanggo ang nadiskubreng “tunnel” sa loob ng Maximum Security Compound (MSC) palabas ng piitan dahil parte ito ng drainage system ng gusali.

Ayon kay NBP officer-in-charge Supt. Roberto Rabo, ang dalawang talampakang laki ng kanal ay nilagyan ng pinagdikit-dikit na maliit na tubo na semento upang hindi magamit na daanan sa pagtakas ng mga bilanggo.

Iginiit ng opisyal na tanging tubig lang ang maaaring dumaan sa naturang drainage at nagpapatupad din ang NBP ng regular na inspeksiyon sa lugar.

Ang natagpuang kanal ay matatagpuan sa likod ng MSC, na malapit sa selda ng mga dating opisyal ng militar at pulis.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinasabing malapit lang din ang lagusan sa selda ng convicted drug lord na si Amin Buratong.

Ipinabatid na rin ito ng NBP kay Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima na unang nag-utos kay NBP chief Franklin Bucayu na imbestigahan ang nakitang tunnel na nadiskubre ng mga tauhan ng isang water concessionaire sa pipe-laying project nito.