Sinimulan ng defending champion San Beda College (SBC) ang kanilang second round campaign sa pamamagitan ng panalo makaraang pataubin ang Mapua, 67-63, kahapon sa pagbubukas ng NCAA Season 90 juniors basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bagamat wala ang kanilang key player na si Andrei Caracut, nakuha pa ring maipanalo ng Red Cubs ang laro sa gitna ng matainding hamon na itinayo ng Red Robins, partiklar sa huling tatlong periods.

Kasama si Caracut sa Batang Gilas team na kasalukuyang kumakampanyan sa FIBA World Under-18 Championships kung saan ay kasama din ang isa pang player ng San Beda na nasa seniors division na si Ranbill Tongco.

Nagtala si Marc Diputado ng 15 puntos at 4 na rebounds habang tumapos naman na may 13 puntos, 3 rebounds at 4 assists si Alberto Bordeus para pangunahan ang nasabing panalo ng Red Cubs, ang kanilang ikawalo sa loob ng sampung laro.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa kabilang dako, nanguna naman para sa Red Robins na bumaba sa barahang 7-3 (panalo-talo) si Noah Lugo na nagtala ng game high 21 puntos.

Bunga nito, nasolo ng Red Cubs ang ikalawang puwesto kasunod ng namumunong Letran College (LC) Squires na may barahang 8-1 (panalo-talo).