erickson at sam

MAY mga usap-usapan na kaming naririnig tungkol sa diumano’y pamimirata ng Cornerstone Talent Management Agency na pag-aari ni Erickson Raymundo ng mga talent, pero hindi namin pinapansin kasi hindi naman ganoon ang pagkakaalam namin.

Una si Erik Santos na galing Backroom, Inc., pero hindi na-pirate ang Prince of Pop kundi siya ang pinakawalan ng talent management ni Boy Abunda.

Kaya si Erik mismo ang kumausap sa Cornerstone honcho na i-manage siya. Di ba nga, Bossing DMB, naiyak pa ang binatang singer nang ikuwento niya ang paglipat niya kay Erickson dahil may gusot sila ni Kuya Boy that time.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sunod si Angeline Quinto, na Star Magic baby talaga at mismong si Mr. M (Johnny Manahan) ang kumausap kay Erickson para i-co-manage ang Star Power grand winner dahil singers ang forte ng Cornerstone.

Sinundan ni Rachel Anne Go na kasalukuyang nasa London ngayon para sa Miss Saigon. Expired na ang kontrata ng singer/actress sa Viva Talents ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus, kaya walang sabit ang paglipat niya sa Cornerstone.

Well, si Yeng Constantino naman ay ang mismong Star Magic din ang nag-endorse sa Cornerstone para i-co-manage rin tulad ni Angeline.

Pawang singers ang talents noon ni Erickson tulad nina Richard Poon, Sam Milby, Erika at Krissy, at iba pang pinakawalan na ng Cornerstone dahil hindi nagtagumpay. Hanggang sa nadagdagan na ng artista tulad ni Kit Thompson na galing ng GMA, at ayon mismo sa binatilyo ay wala na siyang kontrata sa Siyete nang lumipat siya kay Erickson.

At dahil asawa naman na ni Richard Poon si Maricar Reyes, e, obvious naman kung bakit siya nagpa-manage sa Cornerstone, pati si Moi Bien na personal assistant ni Piolo Pascual na iniendorso rin ng aktor dahil kasosyo naman siya sa Spring Films na movie outfit ng Cornerstone.

Ang huling lumipat ay si Jericho Rosales, na nagsabi namang expired na ang kontrata niya sa Genesis na pag-aari ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Heto ang latest, ang anak daw ni Jose Manalo na si Nicco Manalo na ginawaran ng unang award bilang best supporting actor sa 2014 Cinemalaya Film Festival para sa The Janitor.

Usap-usapan sa showbiz na iniwan ni Nicco ang manager niya na nagtiyaga sa kanya para mabigyan siya ng projects hanggang sa naka-jackpot nga na mapansin kaya lumaki na raw ang ulo at lumipat na sa Cornerstone.

Another blow ito sa Cornerstone na pinaniniwalaan nga ng lahat na namimirata ng talents.

Kaya tinext namin kahapon si Erickson para kunan ng komento. Nasa Singapore pala siya kasama sina Erik at Sam sponsored ng Academy of Rock Singapore, pero sinagot niya ang mga tanong namin.

“Alam mo naman, we never approached any artist and never pursued anyone,” mensahe ni Erickson. “I didn’t even personally know Nicco. It was him who’s been seeking help from us since last year but I never sat down with him. I only met him last week to find out his story. I told him we don’t want conflict with any group especially if they have an existing contract whether written or verbal so we can’t accommodate him.

“He messaged one of my managers the next day that he has made a decision already and left his management. I just told my staff that as long as everything is clear then we could meet him again.

“Perci Intalan even messaged me and I told him the same thing. And no, we didn’t promise him anything. At wala pa ni isa kaming na-pirate, so I wonder why the writer mentioned reputation. I also don’t promise anything to any artist just to get them.

“We are happy with our pool of artists and all of them can attest that it's them who approached us unless I personally discovered them.”

Pagkatapos ng text ay tumawag din sa amin si Erickson para ituloy ang kanyang paliwanag.

“Hindi naman ako affected sa sinabing nanunulot, hindi ko rin kailangang i-defend ang sarili ko to anybody unless tinatanong ako, like now, tinanong mo ako.

“Sa totoo lang, hindi ko kilala si Nicco kaya wala akong alam tungkol sa kanya maliban sa anak siya ni Jose Manalo at may isyu silang mag-ama na hindi ko rin tinanong kasi personal na ‘yun.

“Nabanggit nga na verbal daw ang usapan nila ng manager niya which same thing I do with my talents, wala silang kontrata lahat, verbal lang kasi katwiran ko, kung hindi ka na masaya sa amin, anytime puwedeng umalis, hindi ko pipigilan. Alangan namang pilitin kong mag-stay kung hindi na rin kami magkakasundo.

“Ganu’n ako kadiretso sa talents ko, tell me straight kung ayaw n’yo na and so far, sa nine years ko sa business, walang umaalis pa. May mga pinaalis na ako, kasi hindi naman nagwo-work out na.

“Kaya ‘yang panunulot na ‘yan, nakakatawa lang kasi hindi kami ang lumalapit sa talents, kami ang nilalapitan at kahit ipagtanong pa ‘yan sa lahat.

“And I don’t make promises just to persuade the person, naglalatag lang ako ng career plan kapag nasa amin na. Hindi ako basta nakikipagkita sa tao,” diretsong sabi ng CEO ng Cornerstone.