Ni AARON RECUENCO

Habang patuloy na sinisikap ng Philippine National Police (PNP) na mapababa ang kriminalidad, isa pang sakit ng ulo ang kailangang bunuin ng pambansang pulisya—ang paglala ng carnapping sa bansa.

Mula sa 1,881 naitalang kaso mula Enero hanggang Hunyo 2013 ay lumitaw na umabot na sa 3,127 carnapping ang naiulat sa unang anim na buwan ng taong ito.

Mula sa kubuuang bilang, kabilang sa 304 ang mga kotse, van at iba pang four-wheeled vehicle habang ang 2,886 ay motorsiklo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Katumbas nito ang dalawang kotse na nananakaw kada isang araw. Samantala, 15 motorsiklo naman ang tinatangay sa araw-araw, ayon pa sa PNP.

“These were higher than the statistics in 2013 when only 1.5 motor vehicles and 10.1 motorcycles are taken,” ayon sa PNP record.

Sinabi ni Chief Supt. Arrazad Subong, direktor ng PNP Highway Patrol Group, na mas madaling tangayin ang motorsiklo lalo na kung nakaparada sa kalsada.

Karaniwang ginagamit ng mga magnanakaw ang utility o passenger van na roon madaling isakay ang isang motorsiklo na iniwang nakaparada.

Ang mas malungkot na balita ay mas madaling maibenta ang ninakaw na motorsiklo sa mga hindi maingat na buyer, dagdag ng opisyal.