blind item shades

BULONG sa amin ng insider ng isang TV network, ibinabahay na ng kanilang TV host ang isang batambatang aktres na natsitsismis sa kanya.

Matagal nang umiikot ang tsismis na may relasyon ang TV host at ang young actress pero ilang beses na rin itong itinaggi ng kanilang kampo.

Pero ayon sa aming source, bago pa man pumutok ang isyu ay may relasyon na talaga ang dalawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa umpisa pa lang ay tutol na ang mga nagangalaga sa career ng young actress pero wala na rin naman silang nagawa dahil kilalang bonggadero pagdating sa kadatungan ang TV host. Kaya sa halip na pagsabihan ang young actress, tumahimik na lang sila dahil wala na rin naman silang magagawa.

“Susme, may magagawa pa ba naman ang mga ‘yun, eh, mayaman si Papa at kayang-kayang ibigay ang mga hinihingi ng mga taong malapit sa young actress,“ sey pa ng source.

Ang latest, ayon pa sa spy namin, ibinili na ng TV host ng malapalasyong bahay sa isang ekslusibong subdibisyon sa Quezon City ang young actress at doon na madalas umuuwi si Papa, huh!

Halos tuwing umaga raw ay nakikita ng mga kapitbahay ang TV host na nagdya-jogging. Pero kung noong una ay medyo ikinagulat ng mga residente ng exlusive subdivison ang aktor habang pababalik-balik na ring tumatakbo sa loob ng subdivision, ngayon ay tanggap na rin daw naman ng mga ito si _______ (young actress) at si _______ (TV host ) at ang kanilang palihim na pagsasama sa iisang bubong.