Nilagdaan ng mga pangulo at administrator ng higher education institutions (HEIs) ang Manila Declaration on Philippine Higher Education sa ginanap na President’s Summit na inorganisa ng Philippine Business for Education (PBEd).

Dito nagkasundo ang HEIs na makipagtulungan sa gobyerno at mga industriya na isulong ang nagkakaisang hakbang para mapaangat ang antas ng edukasyon tungo sa de kalidad na graduates at makaangkop sa pamantayan at pangangailangan ng susunod na siglo.

Upang maging maayos ang pagtataguyod ng mga nabanggit na adhikain tungo sa pagkamit ng vision, isinulong ang pagtatag sa National Industry-Academe Council, Unified Financial Assistance System for Higher and Technical Education (UniFAST), pagpapalakas sa Labor, pagpapalawak sa research and development, maigting na koordinasyon ng DepEd, TESDA at CHEd sa pagsulong sa Kto12 lalo sa voucher system at taasan ang public spending sa 27 poryento ng gross domestic product kada isa o per capita o ASEAN 5-year average.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon