Agosto 19, 1964, inilunsad ang unang geostationary communication satellite na pinangalanang Syncom 3 ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), sa Delta D number 25 launch vehicle mula sa Cape Canaveral, Florida. Ginamit ito upang magpadala ng telecast signals ng 1964 Tokyo Summer Olympics sa United States. Ang satellite, inilagay sa orbit malapit sa International Date Line, ay ginawang posible ang unang television special na nasilayan sa buong Pacific Ocean.

Ang Syncom 1, ang unang pagtatangka ng pagdidisenyo ng isang communications satellite sa geosynchronous orbit, ay inilunsad noong Pebrero 14, 1963. Ang kanyang misyon ay maglagay ng satellite sa 24-hour orbit na may inclination na halos 30 degrees sa Atlantic Ocean. Sa kabilang banda, ang Syncom 2, ang unang geosynchronous satellite, inilunsad noong Hulyo 26, 1963, ay inilagay sa itaas ng Atlantic Ocean at Brazil sa 55 degrees west longitude.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon