Matitigil na ang pagpapatayo ng pabahay na binubuo ng 2,053 unit para sa mga maralitang residente ng North Triangle sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Ito sinabi ni National Housing Authority (NHA) Chito Cruz kasunod na rin ng desisyon nilang maibalik ang natitirang P450 milyong bahagi ng P11 bilyong Disbursement Acceleration Program (DAP) na ibinigay sa ahensiya.

Paliwanag ni Cruz, ang naunang P10 bilyon mula sa DAP na ibinigay sa ahensiya ay nakalaan sa pagpapatayo ng halos 25,000 unit, mahigit sa 21,000 o katumbas ng 85 porsiyento nito ay naitayo na habang ang natitira pa ay patuloy pang ipinapatayo.

Sinabi ng opisyal na ang nasabing socialized-housing project ay nakalaan para sa mga pulis, sundalo, at sa mga pamilyang nasa danger zone sa National Capital Region (NCR).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ani Cruz, nagdagdag pa ng P1 bilyon ang pamahalaan para sa pagpapatayo ng pabahay, P500 milyon dito ay ipinagpatayo ng halos 2,500 unit ng pabahay na nakalaan para sa mga mahihirap na empleyado na Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Aabot naman sa P100 milyon ang inilaan para sa paggpatayo mahgit 1,000 unit sa Iloilo para sa mga pamilyang naninirahan sa Iloilo river.

Sinabi nito na dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang probisyon sa DAP, ihihinto muna ang proyektong pabahay na para sana sa mga residente ng North Triangle.