TARLAC CITY— Pinangunahan kamakailan nina Senador Teofisto Guingona III at Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado ang pagpapasinaya sa bagong operating room building ng Bulacan Medical Center sa Malolos City.

Magsisilbing administrative office ang unang palapag at operating room at eye care center naman ang ikalawang palapag.

Ang P15 milyon mula sa dating Priority Development Assistance Fund ni Guingona ang nagbigay daan sa ospital upang makabili ng mga bagong kagamitan tulad ng Endoscopy sa health diagnosis at Stellaris Machine sa eye operation.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20