Jennifer-Nicholas-copy

NAPAULAT na “wary” si Jennifer Lawrence na makakasama sa trabaho ng ex-boyfriend niyang si Nicholas Hoult si Kristen Stewart.

Pinaniniwalaang hiwalay na si Jennifer, 23, sa kanyang kasintahan noon pang unang bahagi ng taong ito nang mahirapan silang magkaroon ng panahon para sa isa’t isa dahil kapwa sila abala sa kanilang mga schedule.

Ginagawa ngayon ni Nicholas ang drama sci-fi na Equals katambal si Kristen, at napaulat na nababahala si Jennifer ngayong madalas na magkasama si Kristen at ang British actor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Nick and Jennifer haven’t been able to spend much time together recently as they’ve both been so busy. Jennifer isn’t normally the jealous type, but she was wary of Kristen and felt jealous that she was working with Nicholas,” sabi ng source sa Closer magazine ng Britain.

Kagagaling lang din ni Kristen sa isang high-profile breakup. Naging kasintahan niya ang Twilight co-star niyang si Robert Pattinson sa loob ng apat na taon, pero tuluyan na silang naghiwalay nang hindi na sila maka-move on sa naging kontrobersiyal na pakikipagrelasyon ni Kristen sa may asawang direktor na si Rupert Sanders noong 2012.

Sa kabila ng paghihiwalay nina Nicholas at Jennifer, inaasahang magkakabalikan din ang dalawa sa tamang panahon.

“Nicholas and Jennifer are great together — he swears nothing is going on with Kristen, and friends hope he and Jen can make it work,” dagdag pa ng insider.

On and off ang relasyon ng dalawa simula noong 2011 nang magkakilala sa set ng X-Men: First Class. - Cover Media