TARLAC CITY - Muling ipinaalala ng pamahalaang lungsod ng Tarlac sa mga namamasadang tricycle at may-ari ng motorsiklo na mahigpit nang ipinatutupad ang ordinansa na nag-oobliga sa pagkakabit ng mga muffler o silencers upang maiwasan ang maingay na pamamasada sa siyudad.

Ayon kay City Administrator Necito Ng Chua, sa bisa ng City Ordinance No. 01-015, ay kukumpiskahin ang driver’s license at pagmumultahin ng P200 ang unang beses na lalabag, habang ii-impound naman ang motorsiklo at pagmumultahin ng P500 ang may ikalawang paglabag, samantala P1,000 multa at kanselasyon ng operator’s permit ang ipapataw sa ikatlong paglabag.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon