Isang sundalo ang namatay nang aksidenteng pumutok ang kanyang baril habang kanyang nililinis sa isang military detachment sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Insp. Dahlan Samuddin ng Zamboanga Peninsula Regional Police Office, ang biktima na si Pfc. Rodel Alingal na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Huling nakita si Alingal, commander ng River Rhine Detachment ng Army Special Forces, habang nililinis ang kanyang caliber .45 service pistol sa kanilang himpilan.

“Baka aksidente niyang napisil ang gatilyo habang nililinis,” pahayag ni Samudin.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Dahil sa dumaraming insidente ng accidental firing, ilang beses pinaalalahanan ang mga pulis at militar na mag-ingat sa paghawak ng kanilang baril, lalo na kung ito ay nililinis.

Kabilang dito ang pagsisiguro na walang bala ang baril habang nililinis at walang taong nakapaligid, partikular ang mga bata. Aaron Recuenco