BAGUIO CITY - Nakakulong na sa Baguio City Jail ang sumukong suspek sa brutal na pagpatay sa isang 15-anyos na babae na nakarelasyon niya, matapos siyang kasuhan ng murder sa City Prosecutor Office.

Naging madamdamin ang tagpo sa tanggapan ni City Prosecutor Conrado Catral habang kausap ng huli ang ina, mga kapatid, mga kaibigan at mga kaklase ni Ericka delos Santos, 15, at ipinapakita ang mga ebidensiya at dokumento na inihain ng Investigation Task Force ng Station 3 ng Baguio City Police Office.

Iniulat na nawawala ang biktima noong Agosto 5, isang araw makaraang magsampa siya ng kasong consented seduction laban kay Jayson Paul Rebolledo, 23, may asawa, office clerk sa isang unibersidad, at nakatira sa Barangay Pacdal, Baguio.

Agosto 11 naman nang natagpuan ang bangkay ng dalagita sa madamong lugar sa Amsing Siapno sa Bgy. Pacdal. May 21 saksak ang dalagita, ayon sa awtopsiya. - Rizaldy Comanda
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20