ISLAMABAD (AP) – Libu-libong raliyista ang nagsagawa ng malawakang kilos-protesta kahapon sa kabisera ng Pakistan, at sa gitna ng malakas na ulan ay iginiit ang pagbaba sa puwesto ng prime minister, sa pinakamalaking paghamon na hinarap ng gobyernong Pakistani.

Ipinanawagan ng grupo ni Imran Khan, sikat na cricketer na namumuno ngayon sa ikatlong pinakamalaking grupong pulitikal sa bansa, at matapang na anti-government cleric, ang mga kilosprotesta sa Islamabad, habang iginigiit ang pagbaba sa puwesto ni Prime Minister Nawaz Sharif at pagdaraos ng bagong eleksiyon.

Isang taon pa lang sa panunungkulan, nanindigan naman ni Sharif na mananatili sa puwesto, pinaigting ang mga pangamba sa posibilidad ng krisis pulitikal sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho