Marian7-o-550x366

EVERYBODY loves a love story. Kaya sinusubaybayan natin ang pag-iibigan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Lalo na ngayong engaged na silang dalawa.

Pagkatapos ng announcement ng kanilang engagement, ano na nga ba ang mga susunod na plano para sa pinakahihintay na pag-iisang dibdib ng Kapuso royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera?

Abangan ang ulat tungkol sa kanila ni Jessica Soho ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Asahan na ang masaya at eksklusibong panayam ng multi-awarded broadcast journalist na si Jessica sa Kapuso Primetime King at Queen gamit ang larong charades.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Magiging paksa rin sa KMJS ang hilig ng mga Pinoy sa pagkain ng manok. Nang mapabalitang nagkakaubusan na ng supply ng manok, marami ang tila na-heart broken. Pero tuloy pa rin naman ang paghahain ng iba’t ibang kainan ng mga pinagmamalaki putaheng manok.

Tampok din ngayong gabi ang nakakagulantang na pagpapakamatay ng Hollywood actor na si Robin Williams na pinaniniwalaang bunsod ng depression. Dahil dito, nabuksan sa publiko ang usapin na kadalasang palihim na pinag-uusapan. Ang singer at komedyanteng si Janno Gibbs ay minsan na ring umamin na nagkaroon ng depression. Ibabahagi niya sa KMJS ang kanyang mga pinagdaanan at kung paano niya ito nalampasan.

Tatalakayin din ng KMJS ang Supermoon phenomenon. Pero kung marami ang humahanga at nagagandahan sa supermoon, takot naman ang nararamdaman ng mga taga-

Isla Sibale sa bayan ng Concepcion sa Romblon. Nangangamatay raw kasi ang ilan sa mga alaga nilang hayop tuwing nagiging ganito kalaki at kabilog ang buwan. Ang hinala nila, may umaatakeng nilalang na hindi nila maintindihan kung sino o ano. Katunayan, nitong nakaraang supermoon ay may mga kambing na namang natagpuang patay sa kanilang lugar. Ano ang paliwanag sa misteryosong pangyayaring ito sa Romblon?

Mapapanood din sa KMJS ang mga pinag-uusapan ngayon online kabilang na ang makisig na pulis na si PO2 Mariano Perez Flormata Jr., ang magbabarkadang hindi man daw kaguwapuhan ay nagsusumigaw naman ang mga pandesal na abs, at ang komedyanteng Pinoy chef sa London.

Huwag palalampasin ang lahat ng ito ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho pagkatapos ng Ismol Family sa GMA-7.