Sasabak muna si Le Tour de Pilipinas champion Mark Lexer Galedo sa mahirap na 2.1 Union Cycliste International na Tour of China sa Agosto 30 hanggang Setyembre15 bilang huling paghahanda nito bago sumabak sa pinakahihintay na 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Asam ni Galedo, tinanghal na Myanmar Southeast Asian Games individual time trial gold medalist, na maipagpag ang kalawang sa kanyang mga hita sa muling pagbitbit sa kinaaanibang 7-11 Road Bike Philippine Continental team kontra sa beteranong riders na mula sa Europe at Asia sa Tour of China I at II.

Inihayag ni Team founder Engr. Bong Sual, sa panayam ng DZSR’s Cycle Lane program, na masaya si Galedo at ang kasamahan nito sa 7-11 matapos na maimbitahan sa prestihiyosong karera na matagal nang inaasam na masalihan ng koponan mula pa noong 2012.

Ipinaliwanag naman ni Team Director Ric Rodriguez na eksakto ang imbitasyon kay Galedo at sa koponan para lumahok sa Tour of China matapos na makansela ang dapat sana’y tune-up race ng pambansang koponan sa Tour of Jelajah at Tour of Brunei.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasalukuyang nagsasanay ang tinanghal na 2012 Ronda Pilipinas at 2014 Le Tour De Filipinas champion na si Galedo kung saan ay asam nitong masukat ang kanyang bilis sa aktuwal na karera na inaasahan nitong masusubok sa China.

Ang patag na may kaunting akyating ruta sa China at maging ang malamig na panahon ang perpektong pagsasanayan ni Galedo dahil sa kahalintulad ito sa panahon sa Incheon Asiad Road race na gaganapin naman sa Setyembre 27-29.

Makakasama ni Galedo sa koponan sina Cris Joven, Mark Bordeous, Dominic Perez at ang Spaniard reinforcement na sina Edgar Nieto at Angel Vasquez.

Maliban kay Galedo, ang isa pang bibitbit sa kampanya ng Pilipinas sa kada apat na taong torneo ay mula sa LBC na si Ronald Oranza na nagawa naman magwagi ng tansong medalya sa Individual Time Trial at Team.