Agosto 17, 1978 nang isagawa ang unang matagumpay na pagtawid sa Atlantic Ocean gamit ang lobo. Tinawag na Double Eagle II ang lobo, magiting na tinawid nina Ben Abruzzo, Maxie Anderson at Larry Newman ang Atlantiko sa kabuuang 137 oras at anim na minuto.
Ang feat ang ika-14 na pagtatangkang tawirin ang Atlantiko gamit ang lobo. Ang unang pagtatangka ay noong 1873, na 45 milya lang ang natawid. Sa ika-13 pagtatangka, malapit nang maabot ng dalawang piloto ang kanilang goal nang mapunit ang lobo. Naglaho sa karagatan ang ikaapat at ikaanim na flight at apat na balloonist ang nasawi. Sa ikapitong pagtatangka, sumabog ang lobo at namatay ang nag-iisang piloto.
Ang Double Eagle II ay binuo at idinisenyo ni Ed Yost, at may 160,000 cubic feet ng helium.