Sisimulan ng triathlete na si Victorija Deldio ang asam ng Pilipinas na makapag-uwi ng mailap na gintong medalya sa pagsabak nito sa aksiyon sa unang araw ng kompetisyon ngayon sa prestihiyosong 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

Ang 16-anyos na si Deldio, mula sa Olongapo City, ay sasagupa sa kabuuang 64 atleta sa women’s division sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa Xuanwu Lake na bitbit ang mabigat na tsansang makapagbigay ng medalya sa Pilipinas na binubuo ng pito kataong delegasyon.

Sunod na sasagupa sa ganap na alas-11:00 ng umaga ang 15-anyos at Fil-Am na si Ana Lorein Verdeflor, na mula sa California, sa women’s all-around event ng women’s gymnastics sa Nanjing Olympic Sports Center.

Huling sasagupa ang 17-anyos na si Roxanne Ashley Yu, na mula sa Manila ngunit nakabase sa Estados Unidos, sa preliminary heat ng paborito nitong 100m backstroke sa ganap na alas-6:30 ng gabi.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Muling sasagupa si Yu para sa 200m backstroke sa Agosto 19 (Martes).

Ang iba pang miyembro ng koponan na sina Zion Rose Nelson, nakuwalipika sa women’s athletics 400 meters, ay sasabak sa Miyerkules (Agosto 20) kasabay ang shooter na si Celdon Arellano na sisipat sa preliminaries ng 10m Air Rifle sa Fangshan Shooting Hall.

Ang flag-bearer na si Luis Gabriel Moreno na hahataw sa men’s recurve at si Bianca Cristina Gotuaco sa women’s recurve ay nakatakdang tumtuntong sa aksiyon sa Agosto 22 (Biyernes).

Hangad ng delegasyon ng Pilipinas na makakubra ng medalya sa kada apat na taong torneo matapos na umuwing walang bitbit ang siyam na kataong isinabak sa torneo noong 2010 sa Singapore.

Nakasama naman ng delegayson sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na dumating sa gabi mismo ng pagsisimula ng torneo upang suportahan ang delegasyon.

Kasama nito sina POC officials Steve Hontiveros, Julian Camacho at International Olympic Committee representative to the Philippines na si Mikee Cojuangco-

Jaworski.

Ang Pilpinas ay sasabak sa archery, athletics, gymnastics, triathlon, shooting at swimming.