VHONG-Navarro2

BABAWI ang karakter ni Vhong Navarro bilang si Oca sa mga taong sumira sa kanyang basketball career sa pagtatapos ng Wansapanataym: Nato de Coco. 

Mapapanood ngayong Sabado at Linggo (Agosto 16 at 17) sa kuwentong pinagbibidahan ni Vhong kasama sina Carmina Villarroel at Louise Abuel ang lahat ng gagawin ni Oca para maprotektahan ang kanyang pamilya laban sa maitim na balak ni Keith (Epy Quizon), na pinaghihinalaan din niyang tunay na nandaya sa basketball championship kapalit ng salapi. 

Kaabang-abang ang gagawin ni Oca para mailayo si Keith sa kanyang asawa’t anak. Alamin kung matutulungan ba ni Nato (Louise) ang kanyang Tatay Oca para mapatunayang hindi ito ang nagsabotahe ng huling laro nito. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bahagi rin ng Nato de Coco sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, at Yogo Singh. Mula sa panulat ni Noreen Capili sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN ay napapanood tuwing Sabado, 7:15 ng gabi, at Linggo 7:00 ng gabi sa ABS-CBN.