Mar Roxas Mb File

Hindi na naitago ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kanyang galit nang idawit ang kanyang pangalan sa pangongotong kaugnay sa kasong inihain laban kay National Food Authority (NFA) Administrator Arthur Juan.

“Nakakagalit at nakakasamâ ng loob, na idinawit ang aking malinis na pangalan sa pangingikil ng pera ng ilang tao,” pahayag ni Roxas.

Itinanggi rin ni Roxas na nakipagtransaksiyon siya kay Jojo Soliman, isang rice trader mula sa Bulacan, na nag-akusa kay Juan na pangingikil sa kanya ng P15 milyon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Inihayag ni Soliman sa kanyang sworn statement sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagtangkang kotongan siya ni Juan at kanyang assistant na si Atty. Patricia Galang. Ayon pa kay Soliman, mula sa kabuuang halaga ay tig-P5 milyon ang mapupunta umano kay Roxas at Food Security Adviser Francis “Kiko” Pangilinan habang ang natitirang P5 ay para kay Juan. Aniya, aabot sa P10 milyon ang idineposito nito sa dalawang bangko noong nakalipas na Hulyo 8 alinsunod na rin umano sa kautusan sa kanya ni Juan.

Idineposito aniya nito ang unang P5 milyon sa Banco de Oro sa Caloocan City at ang pangalawang P5 milyon ay sa Bank of the Philippines Islands.

Nagpahayag ng paniniwala si Roxas na may kinalaman ang isinusulong na kampanya ng gobyerno kontra rice smuggling sa naglabasang extortion issue laban sa kanya. - Czarina Nicole Ong at Rommel P. Tabbad