Roger Federer

MASON, Ohio (AP)- Nagkaroon na naman si Roger Federer ng isa pang malaking alaala.

At iyon ay malaking nangyari sa kanya sa Cincinnati.

Napagwagian ni Federer ang kanyang opening match sa Western & Southern Open kahapon, ang three-set victory kontra kay Vasek Pospisil na kanya nang naging ika-300 career victory sa Masters tournament. Siya ang unang manlalaro ang nakatuntong sa marka kung saan ay pumangalawa lamang si Rafael Nadal na taglay ang ika-281 panalo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang malaking bilang ay isang napakagandang kaganapan. Matapos ang two-hour struggle, ikinagalak ni Federer na nagkaroon siya ng tsansa na maidagdag sa kanyang unprecedented five titles sa Cincinnati.

‘’It’s a nice, round number,’’ pagmamalaki ni Federer. ‘’I’ve had some more important ones over the one today. Nevertheless, it’s nice to reach such milestones.’’

Hindi nakuha ng Swiss star ang control hanggang sa kalagitnaan ng third set, nang pigilan nito si Pospisil ng dalawang beses para sa 4-1 lead. Kapwa iritado ang manlalaro hinggil sa breezy conditions.

‘’You just hope to get through the first match in tough conditions,’’ giit ni Federer. ‘’It’s important to stay calm even though it’s frustrating for much of the match.’’

Napanatili naman ni topseeded Serena Williams ang kanyang p[osisyon sa kasagsagan ng napakatinding opening match. Naghabol ito sa likuran ng dalawang tiebreakers upang talunin si Samantha Stosur, 7-6 (7), 7-6 (7), sa loob ng 1 oras at 54 minuto.

Natagpuan nito na ‘di gasinong kailangan kaya’t matinding nakipagsabayan ito sa kanyang unang laban.

‘’It’s good when you play a lot of close matches and you come out on top - I’m defeated, I’m down and I come back and win,’’ saad nito. ‘’That’s very good.’’

Umungos pa si Stosur sa 4-0 sa unang tiebreaker bago naghabol si Williams. Taglay ni Stosur ang dalawang set points sa ikalawang tiebreaker, ngunit tumama sa net ang kanyang tikada at isa pa sa mahabang hataw upang magtabla sila ni Williams. Napagwagian ni Williams ang laro nang muling sumablay ang hirit ni Stosur patungo sa net.

‘’Against player like that you think, ‘Oh, there is a chance there,’’ pahayag ni Stosur. ‘’More often than not they come up with the goods to shut you down.’’

Tinanong kung paano niya ito naligtasan, ito ang sinabi ni Williams, ‘’I really don’t know. She was up in both of the breakers. It was just a great match, really.’’

Samantala, kinailangan ni Andy Murray ng ilang karagdagang oras upang mapasakamay ang kanyang opening match. Natikman lamang nito ang tatlong break points at iyon ay kanyang sinabayan tungo sa 6-3, 6-3 win laban kay Joao Sousa.

Hangad pa rin ni Murray na manumbalik ang kanyang porma matapos ang kanyang back surgery noong nakaraang Setyembre. Nakakuha rin ito ng break kasama si coach Ivan Lendl noong Marso na sadyang naging malaking adjustment nito.

‘’It’s been a tough year,’’ sambit ni Murray. ‘’There have been a few things happen. Obviously coming back from surgery is hard. To me now, that isn’t in any way an excuse. Now I have had enough time to get over it. Obviously with Ivan, that was also tough.’’

Naisakatuparan lamang ni No. 4 Tomas Berdych ang isang break point sa pagkatalo nito kay Yen-Hsun Lu, 3-6, 6-3, 6-4. Umentra si John Isner, tumuntong sa finals sa Cincinnati noong nakaraang taon ngunit nabigo kay Rafael Nadal, na taglay ang solidong 6-3, 7-6 (1) victory kontra kay Marinko Matosevic.

‘’I played so unbelievably well here last year,’’ ayon kay Isner. ‘’I’m off to a very good start this year. I love this tournament. I feel very comfortable here.’’

Nagkaroon naman ng upset sa women’s draw. Nagkaproblema si third-seeded Petra Kvitova sa kanyang serbisyo kaya’y nabigo kay Elina Svitolina, 6-2, 7-6 (2). Nagtala si Kvitova ng siyam na double-faults at naiposte lamang ang 52 percent sa kanyang unang serves.

‘’I’m disappointed how I played today, for sure,’’ saad nito. ‘’From the beginning, I didn’t feel very comfortable out there.’’