Kung nabasa mo ang issue kahapon hinggil sa isang kamalian tungo sa pagbabago, nalaman mo na maraming bagay ang maaaring humadlang sa iyong pagsisikap upang maikintan ang isang gawi. Habang nagsisikap kang gumawa ng pagbabago, maaaring may mali sa paraan ng iyong pagtupad. nilalamon ang ating programa ng kung anu-anong dahilan: problema sa pamilya at trabaho, o pagkahumaling sa isang sport, barkadahan, atbp.

Madaling sabihin na kaya ating gawin ang magandang gawi na nais nating ikintal sa ating isipan, ngunit napakahirap gawin. narito ang ilang tip upang maiwasan ang kamalian ng di pagtupad ng isang bagong gawi:

  • Simulan mo. – Para bang tinatamad kang ipatupad ang bagong gawi ngayon? Pangaralan mo ang iyong sarili na kailangan mo lang gawin ay ang unang hakbang. Siyempre ang kasunod niyon ay ang pangalawang hakbang, di ba? ngunit kung hindi iyon nasundan ng pangalawang hakbang, at least nasimulan mo na. At iyon ang mahalaga.
  • Probinsya

    Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

  • Humakbang ka, gaano man iyon kaliit. – Kailangan mong mag-exercise pero wala kang energy? Mag-exercise ka kahit ilang minuto lang. Kailangan mong mag-aral para sa exam? Magaral ka kahit 15 minutes lang.
  • Gawin mo iyon, gaano man kapangit. – May ginagawa kang school project? gawin mo iyon kahit pangit ang kalabasan; kahit walang kaayusayos; kahit wala kang ganang gawin iyon. Hindi mahalaga ang quality sa umpisa – ang mahalaga ay nagawa mo ang project.
  • Kung mabigo ka, huwag kang mawalan ng kumpiyansa. – nabigo ka ngayon? May bukas pa na puwede mo namang gawin uli. Kailangang maging malinaw sa iyo na kapag nakaligtaan mong gawin ang isang mabuting gawi, hindi mo iyon ikamamatay. nalaglag ka sa kabayo, so what? Sumampa ka uli.