Iminungkahi sa Commission on Audit (COA) na tanggalin na ang mga resident auditor nito na nakatalaga sa mga ahensya ng pamahalaan dahil ang naturang ahensya na mismo ang nagsasagawa ng mga imbestigasyon kaugnay ng special fraud audit sa mga ito.

Ang nasabing panukala ay inilatag ni Sandiganbayan Associate Justice Samuel Martires kay COA Commissioner Heidi Mendoza na dumalo sa isang pagdinig bilang isa sa mga prosecution witness sa kasong graft na kinakaharap ni dating Makati City Mayor Elenita Binay, asawang si Vice President Jejomar Binay.

“Shouldn’t COA just abolish its resident auditors and just put in auditors who are adept in financial transactions and detecting fraud?” pagbibigay-paliwanag ni Martires kay Mendoza matapos mag-recess sa pagkocross-examine sa kanya ng abugado ni Binay sa alegasyong minanipula ang bidding para sa P72 milyong furniture na binili ng Makati noong 2001.

Sinilip din ni Martires ang basehan ng COA sa pagsasagawa ng special audit kahit nilinis na ng mga resident auditor nito ang ahensya ng pamahalaan at ang mga transaksyon nito sa kanilang annual audit report.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inamin ni Mendoza na hindi sila nagtitiwala sa mga resident auditor kung kaya’t kinakailangan nilang magsagawa ng special audit fraud investigations alinsunod na rin sa pagbubunyag ng mamamahayag kaugnay ng illegal na transaksyon sa pamahalaan bilang bahagi ng government-wide sectoral audits, at dahil na rin sa kahilingan ng mga mambabatas.