Ang tatlong relihiyon sa daigdig na naniniwala may iisang Diyos – ang Judaismo, Kristiyanismo, at Islam – ay may pinagsasaluhang tradisyon base sa Mga Kasulatan kungkaya itinuturing ng mga Muslim ang mga Judio at Kristiyano bilang kapwa-“People of the Book”. nirerespeto ng tatlo si Abraham ng Qur’an at ng Biblia, Ang panganay na lalaki ni Abraham na si Ishmael ay kilala ng mga Muslim bilang ninuno ng maraming tribong Arabo at ang ninuno ni Propeta Muhammad. Ang pangalawang anak na si Isaac ang ama ni Jacob na ang 12 anak na lalaki nito ang naging 12 tribo ng Israel. Ang mga Kristiyanong ebanghelyo ni San Mateo at San Lucas ay nagtala ng 14 henerasyon mula kay Abraham hanggang kay Haring David, 12 mula kay David hanggang sa Babylonian Exile, at 14 mula sa Exile hanggang kay Jesus.
Karamihan sa kasaysayan ng daigdig ang kinasangkutan ng mga hidwaan ng mga miyembro ng tatlong relihiyong ito – ula sa mga krusada sa Holy Land, hanggang sa Holocaust kung saan pinatay ng nazi germany ang may 6 na milyong Judio, hanggang nitong labanan ng Orthodox Christian Serbis, ng Katolikong Croatians, at ng mga Muslim ng Bosnia at Herzegovina sa Balkans.
Noong isang araw, ayon sa mga ulat mula sa Vatican, na inaprubahan nito ang military strikes ng Amerika sa Iraq sa layuning pigilan ang paglusob ng Sunni Islamic State militants sa Iraq, matapos paslangin ng mga Islam ang mga Kristiyano sa hilaga ng naturang bansa na tinatanaw bilang genocide. nanawagan ang Pontifical Council for Interreligious Dialogue ng Vatican sa Muslim leaders na tigilan na brutalidad ng sumasakop na Islamic State militants, kabilang ang pamumugot at pagpapako sa krus. nanawagan ang Chaldean Catholic Church leader para sa mas malawak na suporta ng mga bansa, sinabi na hindi sapat ang pag-atake ng Amerika upang puksain ang Islamic Jihadists.
Ang Islamic State in Iraq and the Levant (ISIL) ay unti-unting sumasakop sa Baghdad mula pa noong Abril. Sa isang saglit, pinaniwalaan ito na ang mga militanteng Sunni ng ISIL ay patatalsikin lamang ang Shia government ng Iraq, ngunit ang brutalidad laban sa mga Kristiyano, Yezidis, at iba pang non-Muslim minorities ang dahilan kung kaya isinantabi ng Vatican ang polisiya nito ng mapayapang resolusyon ng mga hidwaan.
Nakalulungkot na nangyayari ito, lalo na’t napakaraming Pilipino sa Iraq ngayon na mga Muslim at Kristiyano. Bukod sa ating interes bilang Pilipino, kailangang umasa tayo na mareresolba agad ang hidwaan sa Iraq bago ito kasangkutan ng mas marami pang bansa at agign isang mas malawak na digmaan. Iyan ang magpapanumbalik sa buong mundo sa Middle Ages o mas sinauna pa, kung saan ang nagpapatayan ang mga bansa sa ngalan ng relihiyon, ngunit ngayon kasama na ang bagong panganib ng makabagong sandatang pandigma, kabilang ang sandatang nuclear.