TARLAC CITY— Pinagtutuunan ngayon ng Department of Public Works and Highways ang 13 major infrastructure projects sa Nueva Ecija na nagkakahalaga ng P243 milyon.

Ito ay kinabibilangan ng improvement and rehabilitation ng 2,645 linear meter section ng Nueva Ecija- Aurora Road na magdudugtong sa Cabanatuan City na may daungan sa Dingalan at Sabang Beach ng Aurora partikular sa capital city ng Palayan at silangang bahagi ng lalawigan.

Ayon kay Nueva Ecija 2nd District Engineer Ulysses Llado, ang P36.25 milyong proyekto ay makakatulong sa 18,326 motoristang dumaraan araw-araw sa nasabing lugar.

Bukod dito, pinagpapatuloy na rin ang konstruksiyon ng P11.2 million Cabanatuan City-Papaya Road na nahinto noong Hunyo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Samantala, ang P13.629 million rehabilitation and upgrading ng national secondary road na naputol sa mga barangay ng Sumacab, San Jose at Bonifacio ay nakumpleto na nitong Hulyo 5. - Leandro Alborote