Batangas City— Matapos piringan at igapos ang driver at mga pahinante, itinakas ng hijackers ang may 838 sako ng plastic sakay ng isang cargo truck sa Batangas City.

Mula sa Batangas City, nakarating ng Carmona, Cavite ang mga biktima kung saan sila iniwan sa cargo truck na may plakang PYY 295.

Ayon sa report mula kay Police Inspector Mary Anne Torres, information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa Carmona Police Station, nakahingi ng tulong sa kanila ang mga biktimang sina Reynaldo Boncodin, Gerald Pajares at Edgar Boncodin.

Base sa salaysay ng mga biktima sa pulisya, 5:30 ng umaga noong Agosto 7, huminto sila sa national highway ng Balagtas, Batangas City upang suriin ang sasakyan nang tutukan sila ng baril ng tatlong suspek.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Pinaghahanap pa ng pulisya ang mga produktong tinangay ng mga hindi nakilalang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.