Sugatan ang 14 pasahero makaraang mabangga ng isang bus ang sinasakyan nilang jeep na lumabag sa batas trapiko sa Makati City kahapon ng umaga.

Agad isinugod ngg Makati City Rescue Team ang mga sugatan sa pagamutan.

Sa inisyal na ulat ng Makati Traffic Department, naka-ilaw na ang pula sa traffic light na nasa kanto ng EDSA at Ayala Avenue southbound nang magpumilit na dumiretso ang jeep na may plakang NVE-969 kaya sumalpok sa umarangkadang Claro Trans Bus UYE-279.

Sa lakas ng bangga, tumagilid ang jeep na sanhi ng pagkakasugat ng mga pasahero nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Galing ang jeep sa terminal nito sa Forbes Park nang mangyari ang insidente.

Nagdulot naman ng mabigat na trapiko ang aksidente habang dinala ang dalawang sasakyan sa impounding area sa Makati Traffic Center.