Ipinagdiriwang ngayon ng Côte d’Ivoire ang kanilang Pambansang Araw.
Kilala rin bilang Ivory Coast, ang Côte d’Ivoire ay isang bansa sa West Africa na nasa hangganan ng Liberia at Guinea sa kanluran, Mali at Burkina Faso sa hilaga, Ghana sa silangan, at Gulf of Guinea sa timog. Ang Yamoussoukro ang opisyal na kapital, at ang Abidjan ang de facto capital at pinakamalaking lungsod. Noong ika-15 at ika-16 siglo, ang export ng ivory ang pangunahing kalakal ng coast, kaya “Ivory Coast” ang ipinangalan sa bansa. Ang bansa ay may populasyon na 20 milyon.
Bago sinakop ng Europe ang Africa, bahagi ang Côte d’Ivoire ng maraming estado, kabilang ang Gyaaman, ang Kong Empire, at Baoule. Noong 1893, ang bansa ay naging isang kolonya ng France. Noong 1960 nagdeklara ito ng kasarinlan mula sa France.
Ang pangunahing aktibidad ng Côte d’Ivoire sa ekonomya ay ang agrikultura na nasasakupan ng smallholder cash crop production. Ang pangunahing cash crop ay kape at kakaw. Pinakamalaking exporter ng kakaw sa daigdig ang Côte d’Ivoire at ika-apat na pinakamalaking exporter ng kalakal sa sub-Saharan Africa. Ito ang pinamakalaking ekonomiya sa West African Economic and Monetary Union. Ang Côte d’Ivoire ay miyembro ng regional at international organizations tulad ng Organization of Islamic Cooperation, ng African Union, La Francophonie, ng Latin Union, ng Economic Community of West African States, at ng South Atlantic Peace and Cooperation Zone.
Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Côte d’Ivoire sa pangunguna nina Pangulong Alassane Ouattara, at Prime Minister Daniel Kablan Duncan, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.