MARIAN Rivera

FIRST time ni Marian Rivera na makapanood ng indie film sa ongoing Cinemalaya X sa Cultural Center of the Philippines last Monday evening, sa gala night ng The Janitor, bilang suporta niya sa kanyang Tatay Tony Tuviera of APT Entertainment, ang producer ng movie na pinagbibidahan ni Dennis Trillo sa direksyon ni Mike Tuviera.

Humanga si Marian sa magandang pagkakasulat ng script ni Aloy Adlawan tungkol sa isang bank robbery na naganap noong 2008, pero based na lamang sa totoong nangyari dahil hindi pa tapos ang naturang kaso.  Nakita rin namin na nanood ang mag-sweetheart na John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, bilang suporta naman kay Richard Gomez na gumaganap bilang superior ni Dennis sa story. Magkasama kasi ngayon sina Richard at John Lloyd sa The Trial movie na ginagawa nila for Star Cinema, sa direksiyon ni Chito Roño.

“Nakakatuwa palang manood ng mga Cinemalaya entries,” sabi ni Marian nang makausap namin after the screening.  “Pinapalakpakan ang mga eksena, saka ang huhusay ng mga artistang gumanap.  Ang husay ng pagkadirek ni Kuya Mike at hindi mo mamamalayan na natapos na pala ang pelikula dahil mabilis ang pacing.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Binati namin si Marian dahil birthday na niya sa Tuesday (August 12) at pabirong tinanong kung sosorpresahin din ba siya ng boyfriend na si Dingdong Dantes na sinorpresa niya noong birthday naman nito sa last August 2.

“Hindi ko alam kasi nasa Cebu ako sa August 11, may ribbon-cutting ako ng 3:00 PM to open the Marian Rivera’s Collections Auction for a cause sa Northwing ng SM City Cebu.  Then at 5:00 PM, may Kapuso Fans Day ako at kasama kong magsi-celebrate ng birthday ko ang mga fans sa SM City Consolacion naman in Cebu.  Babalik din ako ng Manila kinagabihan after my fans day.”

Io-auction ni Marian ang umaabot sa 30 memorable dresses na isinuot niya nang magsimula siya sa Marimar at sa mahahalagang okasyon sa buhay niya, na ii-exhibit from August 11 – 17.  Pagkatapos ng exhibit, io-auction na ang mga damit niya at ang kikitain ay gagamitin para sa mga mangingisda at kanilang pamilya sa Bantayan Island in Cebu na nasalanta ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng Kapuso Adopt-A-Bangka campaign.  Second wave na ito ng pamimigay nila ng mga bangka.

Tinanong namin ang manager ni Marian na si Rams David kung alam ba niya ang plano ni Dingdong para kay Marian. Wala raw siyang alam kasi wala pa namang sinasabi sa kanya ang actress, maliban sa ipinalibre nito ang August 12 dahil ayaw nitong magtrabaho habang birthday niya.

May maganda namang balita si Direk Mike, next month pala ay magsisimula na siyang mag-shooting ng movie ni Marian sa Regal Entertainment.  Pero hindi pa siya puwedeng magkuwento ng detalye dahil inaayos pa nila. May dalawa pang movie si Marian sa contract niya sa Regal.