Jojit Lorenzo, Smokey Manaloto, Mylene Dizon, Arlene Muhlach copy

LALONG kinasasabikan ng televiewers ang pag-aabang sa nagle-level-up na top-rating master-serye ng ABS-CBN na Ikaw Lamang. Bukod kasi sa kakambiyo ang takbo ng istorya, papasok din ang bagong characters na bibigyang buhay ng pinakamahuhusay na artista sa ating bansa.

Pagkaraang gampanan ang mga karakter nina Samuel at Isabelle, patuloy pa ring mapapanood sina Coco Martin at Kim Chiu sa bagong kuwento ng Ikaw Lamang bilang ang susunod na henerasyon ng pamilya Hidalgo at Severino na sina Gabriel at Andrea. Bago na rin ang makaka-love triangle nila na si KC Concepcion, ang gaganap bilang nakatatandang kapatid ni Andrea, si Natalia.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Itinatampok na rin sa book two ng Ikaw Lamang ang seasoned actors na gumaganap sa naging matured nang characters -- sina Amy Austria bilang Isabelle, Joel Torre bilang Samuel, Rio Locsin bilang Lupe, Nonie Buencamino bilang Calixto, at Christopher de Leon bilang Franco.

Tiyak na aabangan din ang makakabilang sa bagong cast na sina Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Jojit Lorenzo, Alora Sasam, at Mylene Dizon.

Simula sa pilot telecast noong Marso, gabi-gabi nang namayagpag ang Ikaw Lamang sa national TV ratings dahil sinubaybayan ng mga manonood ang nakakakilig na pagmamahalan nina Samuel at Isabelle. Ngayon, tiyak na aabangan din kung mabibigyang katuparan na ang pag-ibig na hinadlangan ng kapalaran.

Ang Ikaw Lamang ay mula sa direksyon nina Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco at isa sa mga obra-maestra ng Dreamscape Entertainment Television.