Masusubok ang tibay ng Filipino mountainbikers sa pagsabak nila sa dalawang Union Cycliste International (UCI) sanctioned event na Asean Cup sa Malaysia at ang The World Masters Championships sa Norway.

Ito ang sinabi ni National coach Arjuna Saulo at MTB National Commissaire Athena Beltran Mendoza sa programa ng DZSR Sports Radio na Cycle Lane.

Ang dating national rider na si Banns Mendoza ang natatanging lahok ng Pilipinas sa gaganapin torneo sa Agosto 23-24 na The World Masters MTB Championships sa Hafjell & Lillehammer sa Norway.

Ang 36-anyos na si Mendoza ang nakakuha ng prebilihiyo na maimbitahan sa prestihiyosong torneo matapos ang impresibo nitong 6th place na pagtatapos sa Downhill event noong nakaraang taon na World Championships na ginanap sa South Africa.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Maliban sa iprisinta ang Pilipinas sa pinakamalaking kompetisyon sa buong mundo, hangad ni Mendoza na makatipon ng maraming UCI points at makakuha ng ekspiriyensa at kasanayan na kanyang maipapasa sa mga bata at papaangat na MTB cyclists.

Samantala, mahigit na 20 local riders, sa pamumuno ni dating national team member Alvin Benosa, March Mcquin Aleonar at Arianna Dormitorio, ang lalahok naman sa ikalawang leg ng Asean MTB Cup na nakatakdang isagawa sa Agosto 12-15 sa Kota Kinablu, Malaysia.

Nakakuha ang tatlo ng kinakailangang UCI points mula sa isinagawang unang leg noong Mayo sa Danao, Cebu. Ang mga Pilipino ay masusubok kontra sa Indonesia, Brunei, Thailand at host Malaysia.