Sasampahan na ng kaso sa Office of the Ombudsman si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Francisco Baraan III at iba pang opisyal ng nasabing ahensya na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre, na dawit umano sa P50 milyong suhol mula sa kampo ng mga Ampatuan.

Ito ang tiniyak ni Atty. Nena Santos, abugado ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu, matapos umano silang makakalap ng matibay na ebidensya laban sa mga opisyal ng DOJ. Itinanggi na ni Baraan ang alegasyon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez